DAVAO CITY – Pinayuhan ng Davao City Disaster and Risk Reduction Management Office (CDDRMO) ang mga residente na apektado ng monsoon waves na mas mabuting ‘wag munang bumalik sa kanilang mga tirahan.
Ayon kay CDDRMO chief Alfredo Baloran, na kung babalik pa ang mga residente posibleng maisturbo lamang ang mga ito lalo na kung mararanasan ang malakas na alon.
Una ng inihayag ni Baloran na umakyat na sa siyam na mga barangay sa lungsod ang apektado ng habagat kung saan karamihan sa mga ito ay totally damage ang mga bahay.
Nakapagbigay na rin ngayon ng tulong ang City Social Services and Development Office (CSSDO) sa 522 na mga apektadong pamilya.
Nanawagan din ang opisyal sa mga barangay kapitan na nasa mga lugar na nasa coastal areas na pigilan ang bawat pamilya na bumalik sa kanilang mga bahay.
Una nang napag-alaman na mararanasan ang habagat ngayon buwan ng Agosto hanggang Oktubre.