-- Advertisements --

Nasa 1,000 pamilya ang naapektuhan ng malaking sunog sa residential area sa bayan ng Kawit sa lalawigan ng Cavite.

Naganap ang sunog sa Barangay Samala kung saan umaabot sa Task Force Alpha.

Nagtulong-tulong naman ang ilang bombero mula sa ibang bayan para agad na maapula ang sunog.

Umabot naman ng halos dalawang oras bago tuluyang maapula ang nasabing sunog.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng nasabing sunog.