-- Advertisements --
Malate Fire 1

Ginising ng naglalagablab na apoy ang mga residente sa isang residential area sa San Andres, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection,ang sunog ay nangyari sa Arellano Street corner, G. Tuazon Street sa Barangay 739 bandang ala singko trenta y sais ng umaga, at bandang 6:15 ng umaga ay umabot na sa third alarm ang nasabing sunog.

Gumamit naman ng 13 firetrucks ang mga bombero para maapula ang naglalagablab na apoy.

Bandang 7:45 ng umaga naman nang maideklarang fire-out ang nasabing sunog.