-- Advertisements --
Irrevocable ang resignation letter ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inihain nito ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.
Batay sa kaniyang sulat, para sa kaukulang proper at orderly turn-over, naghanda siya ng 30-day transition plan para sa kaniyang nine strands sa Central Officie at sa iba pang mga Boards and Councils ng DEpEd at SEAMEO.
Binigyang-diin ni VP Sara na mananatili siyang magsilbi sa bansa sa pamamagitan ng ibat ibang programa, aktibidad at mga proyekto ng Office of the Vice President.
Pinasalamatan naman ni VP Sara si Pangulong Ferdinand Marcos sa oportunidad na maging miyembro ng gabinete.