-- Advertisements --
Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Budget Sec. Wendel Avisado.
Sinabi ni Sec. Roque, ang resignation ni Sec. Avisado ay dahil sa medical reasons at wala ng ibang binanggit na dahilan.
Ayon kay Sec. Roque, itinalaga ni Pangulong Duterte si Undersecretary Tina Rose Marie Canda bilang officer-in-charge ng Department of Budget and Management (DBM).
Batay sa sulat ni Executive Sec. Salvador Medialdea kay Sec. Avisado, ipinapaalam nito na tinaggap na ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbibitiw epektibo ngayong araw, Agosto 13.