Muling nananawagan ang ilang workers group sa bansa kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na bumaba na ito sa pwesto bilang kalihim sa ahensya.
Ginawa ng grupo ang pahayag kasabay ng harapan ng International Labor Organization.
Dumalo kase ang delegado ng Pilipinas sa 2024 International Labor Conference sa Geneva, Switzerland at doon ginawa ang panawagan na magbitiw na si Laguesma.
Ayon kay Joanna Bernice Coronation na siyang nanguna sa Philippine Delegates para sa naturang pagtitipon, na frustrated na ang mga kilusang manggagawa sa Pilipinas dahil hindi pa rin naitatas ang sahod ng naaayon sa panahon.
Aniya, ang kanilang panawagan ay naka-angkla sa patuloy na paglabag sa mga karapatan sa paggawa sa Pilipinas, kasama ang 72 pamamaslang sa unyon na hindi pa nareresolba.
Ito, aniya, sa kabila ng atensyong ibinigay ng ILO sa pamamagitan ng pagpapadala ng High-Level Tripartite Mission (HLTM) noong Enero 2023.