-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 21 12 13 17

Hinarang ni Vice Pres. Leni Robredo ang pagbibitiw sa pwesto ni Sen. Kiko Pangilinan bilang presidente ng Liberal Party (LP).

Kinumpirma ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Guiterrez na hindi tinanggap ng bise presidente bilamg LP chairperson ang resignation na inihain nitong umaga ng senador at ni Quezon City Cong. Kit Belmonte bilang secretary general.

“The VP has not accepted Senator Kiko’s and Cong. Kit’s resignations. Much work remains to be done, and they will do it, together,” ani Gutierrez.

Sa kanyang statement sinabi ni Pangilinan na bunsod ng pagkatalo ng Otso Diretso senatorial candidates ang kaniulang pagbibitiw.

Iginiit ng mambabatas na mayroong pagkukulang mula sa kanya kaya wala ni-isang taga-oposisyon ang nakalusot sa magic 12.

Nilinaw ng senador na mananatili itong aktibong miyembro ng oposisyon at walang balik lumipat ng ibang partido.

“I have no intention of becoming inactive. We will continue in building the party, building the coalition and preparing for the coming days.”