Nakatakdang tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Agriculture Secretary Manny Piñol.
Sinabi ni Pangulong Duterte, balak niyang italaga si Piñol bilang pinuno ng Mindanao Development Authority (MinDA).
Magugunitang nabakante ang pwesto dahil sa pagpanaw ni Datu Abul Khayr Dangcal Alonto.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala na siyang ibang nakikitang maaaring ilagay sa pwesto maliban kay Piñol dahil maliban sa isinilang at lumaki ito sa Mindanao ay isa rin itong magsasaka at governor.
Makakatulong umano si Piñol para tulungan ang Bangsamoro Transition Authority at mapabilis ang pagtatayo nila ng inaasam na organisadong pamahalaan.
Gayunman, inihayag ni Pangulong Duterte na kakausapin pa niya si Bangsamoro Interim Chief Minister Murad Ebrahim at iba pang opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kaugnay nito.