Nagsampa ng kasong cyberlibel si dating Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) chief Ricardo Morales laban kay whistleblower Atty. Thorrsson Montes Keith na siyang nagbunyag sa umano’y sistematikong katiwalian at mga anomalya sa loob ng ahensya.
Personal na nagtungo sa Taguig Regional Trial Court si Morales para sa nasabing reklamo dahil nakakaapekto umano sa kaniya at ng kanyang pamilya ang mga alegasyon nito.
Si Keith, dating PhilHealth Anti-Fraud Legal officer, ay nagsiwalat na humigit-kumulang na P15 bilyong pondong pampubliko ang naibulsa ng tinaguriang “mafia” sa ahensya.
Ang kanyang paglantad ay humantong sa maraming mga pagdinig sa kongreso at ang paglikha ng presidential task force upang imbestigahan ang lawak ng katiwalian sa loob ng ahensya at mapanagot ang mga salarin.
Kung maalala, noong Oktubre 2, ang task force ay nagsampa ng isang reklamong kriminal sa Office of the Ombudsman laban kay Morales at maraming iba pang mga opisyal ng ahensya. (with report from Bombo Jane Buna)