-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Muling binigyan ng pagkilala ang lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagkamit ng bayan bilang pang-apat sa buong Pilipinas sa usapin ng katatagan o resiliency.

Ang parangal ay naglalayon na mabigyan ng pagkilala ang mga bayan na naiangat ang estado sa usaping ekonomiya sa kanilang bayan.

Kaugnay nito, masayang tinanggap ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang parangal na nauna ng tinanggap ni Local Economic Development and Investment Promotions Officer o LEDIPO Designate April Joy Guiambangan-Anta

Ayon sa alkalde, ito ay tagumpay ng bawat Kabakeño dahil ito ay nakamit dahil sa pagsisikap at pag tutulungan ng bawat isa. Hinimok naman nito ang lahat na patuloy na suportahan ang mga gawain ng gobyerno lalo pa’t may malaking tulong ito hindi lang sa parte ng gobyerno kundi mas malaki sa parte ng publiko.

Pagsisikapan pa umano ni Mayor Guzman na mas mabigyan ng mas maayos at mas magandang bukas ang bayan hiling lamang nito na makiisa ang bawat Kabakeño.