-- Advertisements --
ILOILO CITY- Minamadali ni Guimaras Representative Lucille Nava ang pagsasagawa ng Congressional Inquiry hinggil sa nangyaring Iloilo Strait tragedy kung saan 31 ang namatay.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Nava, sinabi nito na nakasaad sa nasabing resolusyon na ipapatawag ang Philippine Coast Guard, Maritime Industry Authority, pump boat operators, survivors at mga pamilya ng mga nasawi sa trahedya.
Inihayag ni Nava na pagkalabas niya ng hospital, kaagad nitong aasikasuhin ang paghain sa nasabing resolusyon.
Sa ngayon ayon kay Nava, abala pa ang Kongreso sa budget hearing at hindi pa tiyak kung anong komitiba ang hahawak sa nasabing inquiry.