-- Advertisements --
leni 2
Vice President Leni Robredo

NAGA CITY – Idinaan ng isang konsehal ng lungsod ng Naga sa privilege speech ang paghahain ng resolusyon na nagpapahayag ng “unequivocal support” kay Vice President Leni Robredo dahil sa kinakaharap na sedition case.

Sa speech ni Coun. Lito Del Rosario, binigyan-diin nito na napanatili umano ng Pangalawang Pangulo ang high standard sa public service.

Sa katunayan umano palaging tinitiyak ni Robredo ang kapakanan ng publiko sa lahat ng pagkakataon.

Kung magugunita, isa si Vice President Leni Robredo sa sinampahan ng kasong sedition kasama sina datong Senators Antonio Trillanes IV at Bam Aquino, kasalukuyang Senators na sina Risa Hontiveros at Leila de Lima, ilang mga taga-oposiyon at ilang taga-simbahan.

Una na ring tiniyak ng Department of Justice na magiging patas ang isasagawang imbestigasyon ng DOJ panel sa nasabing kasong inihain sa nasabing mga opisyal dahil sa umano’y kaugnayan sa ‘Bikoy videos’ na nagtuturo umano sa koneksyon ng pamilya Duterte sa kalakalan ng iligal na droga.