DAVAO CITY – Hinihintay na lamang ang resolusyon na ilalabas ng lokal na pamahalaan ano mang oras ngayong araw at ipapatupad agad ang semi-closed border sa Davao region.
Una ng inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) 11 na aasahan ang mas mahigpit na screening measures para sa mga travelers na dadaan sa checkpoints ng rehiyon.
Sa kasalukuyan ay isinapinal na lamang ang resolusyon para sa mga requirements ng mga travelers na galing sa labas ng Davao region.
Ito rin ang sagot sa naunang apela ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung saan nirekomenda nito sa RIATF na ipatupad ang mas mahigpit na border checkpoints para mapigilan ang posibleng surge ng Covid-19.
Sakaling mapatupad na ang semi-closed border, kailangan ng mag-presesnta ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test results na hindi lalampas sa 72 hours ang papasok sa Davao region mula sa mga katabing lalawigan.
Samantalang pagbabawalan ang mga non essential travels sa regional checkpoints maliban lamang sa emergency, medical, at iba pang “humanitarian” reasons.