-- Advertisements --
rice farmers
Rice farmers

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang resolusyon para magamit ang pondo sa rice subsidy na pambili ng palay sa mga magsasaka.

Sa ilalim ng House Joint Resolution No. 22, pinapahintulutan ang gobyerno na gamitin ang natitirang P6.7-billion na rice subsidy fund sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ngayong 2019.

Gagamitin ito para ibili ng palay mula sa mga magsasaka at aktwal na bigas sa halip na pera ang ipamahagi sa mga beneficiaries.

Sa oras na maging ganap na batas ay ililipat sa National Food Authority ang nabanggit na pondo na kasalukuyang nakapaloob naman sa budget ng Department of Social Welfare and Development.