-- Advertisements --
House Congress
House of Representatives

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang joint resolution na nagpapalawig sa validity ng 2019 national budget ng hanggang Disyembre 31, 2019.

Sa botong 199 na Yes at 0 na No, inaprubahan ng Kamara ang House Joint Resolution No. 19 na inaprubahan noong Setyembre sa ikalawang pagbasa.

Nauna nang sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez na ang delay sa pag-apruba sa 2019 General Appropriations Act at election ban sa implementasyon ng mga infrastructure projects at social services kaya dapat palawigin ang validity ng maintenance and other operating expenses and capital outlay of the 2019 P3.757 trillion national budget.

Iginiit ni Romualdez na ang pagpapalawig sa shelf life ng pambansang pondo ngayong taon ay gagamitin para sa mga priority projects ng pamahalaan tulad na lamang ng medical assistance program, aid, relief activities, maintenance, and construction and rehabilitation of schools, hospitals, roads, bridges, at marami pang iba.