-- Advertisements --
HOUSE OF REPS 5
House of Representatives

Kikilos na rin ang mga kongresistang miyembro ng Liberal Party (LP) para maamiyendahan ang Rice Tariffication Law.

Sa isang statement, sinabi ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato na maghahain sila ng joint resolution para rito.

Ito’y matapos na bumagsak sa P7 hanggang P8 ang kada kilo ng palay sa kanilang rehiyon.

Iginiit ni Sato na responsibilidad nila kaya kailangan na nilang kumilos para maisalba ang mga magsasaka sa kalunos-lunos nilang sitwasyon.

Bigo kasi aniya ang estado sa nakalipas na ilang dekada na maprotektahan ang mga magsasaka sa malawakang rice importation.

Samantala, sinabi naman ni Quezon City Rep. Kit Belmonte, secretary general ng LP, na kanilang isusulong ang resolution para sa direktang cash transfer sa mga magsasaka.