-- Advertisements --
makabayan sona 2023 09 29 14 09 15

Naghain ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc ng isang resolution na humihiling sa Kamara na kondenahin ang pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala bilang DJ Johnny Walker.

Sa House Resolution No. 1427 na inihain noong Lunes nina miyembro ng Makabayan, kabilang sina ACT Teachers party-list Rep. France Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na nananawagan din sa administrasyong Marcos para sa mabilis na pagresolba ng kaso, panagutin ang mga responsable sa krimen at gumawa ng konkretong mga hakbang para matuldukan na ang pagpatay sa mga mamamahayag ay iba pang pag-atake laban sa malayang pamamahayag.

Ang kopiya ng resolution ay inilabas ng opisina ni Rep. Castro ngayong araw.

Sinabi din ng grupo na bagamat una ng kinondena ng Pangulo ang pagpatay kay Jumalon ay inihayag na hindi kukunsintihin ang pag-atake sa mga mamamahayag at maanagot ang mga banta sa kalayaan ng mga mamamahayag, wala umanong nahahatulan at kakaunti ang updates sa iba pang pagpatay sa mga mamamahayag na napatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon gaya ng kaso ni Percy Lapid, Rey Blanco at Cris Bundoquin.

Inihayag din ng grupo na nananatiling numero uno ang Pilipinas sa pinakamapangabb na bansa para sa mga mamamahayag kung saan base aniya sa Committee to Protect Journalists Global Impunity Index, pang-walo ang PH sa mga bansang may pinakamalalang record sa pagusig sa mga pumatay sa mga mamamahayag.