-- Advertisements --

Isang resolution na nagbibigay pugay sa yumaong beteranang singer na si Pilita Corrales ang inihain sa senado.

Pinamunuan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang paghain ng Senate Resolution 1336 na nagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng “Asia’s Queen of Songs”.

Dagdag pa ng senador na mayroong malaking kontribusyon sa larangan ng musika ang singer sa loob ng anim na dekada.

Ipinagmalaki din ng senador ang mga nakamit na tagumpay ng singer kung saan nakagawa ito ng 135 na album.

Magugunitang pumanaw sa edad na 87 ang beteranang singer noong Abril 12.