Inihain sa Senado ang isang resolution na naghihikayat sa Department of Justice (DOJ) na i-withdraw ang natitirang drug charges laban kay dating Senador Leila de Lima at palayain na ang Senadora mula sa kulungan.
Kapwa nilagdaan at inihain nina Minority Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros ang Resolution No. 27 kasunod ng naging recantations ng ilang testigo sa isinampang drug cases kay de lima.
Ibinunyag din ni Senator Hontiveros na isa pang Senadora mula sa supermajority bloc na co-author sa kanilang inihaing resolution ang pumabor.
Inihayag ng dalawang Senador na hindi mapagkakaila na ang patuloy na pagkulong kay de Lima ay isa sa grossest injustices na aniya na naranasan ng isang sitting Senator.
Patunay lamang aniya ang recantations kamakailan ng mga primary witnesses laban kay de lima na nagpalakas sa claim ng dating senador na inosente siya sa mga ibinabatong akusasyon laban sa kaniya.
Iginiit ng din nina Hintiveros at Pimentel na dapat na serosong ikonsidera ng DOJ na pinamumunuan ni Secretary Jesus Crispin Remulla ang naturang mga recantations upang maipakita na ang institutional integrity ng ahensiya ay naninindigan para sa katotohanan, hustisiya at rule of law.