-- Advertisements --
image 117

Inihain sa Senado ang isang resolution na naglalayong imbestigahan ang memorandum ng Department of Agriculture (DA) na nagmamandato sa paggamit ng biofertilizers.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, inihain niya ang Senate Resolution 608 para mapigilang maulit ang insidente ng Fertilizer Fund Scam noong 2004 kung saan ang pondo umano ng DA para sa pataba ay napunta lamang at nagamit para sa re-election.

Kung matatandaan inisyu ng DA ang Memorandum No. 32 noong nakalipas na Abril 27 at nagtakda ng guideliens para sa pamamahagi at paggamit ng biofertilizers para mapataas ang produksiyon ng bigas sa bansa.

Binigyang diin ni Senator hontiveros na sa panahon na mataas ang presyo ng mga bilihin at nakaambang El Nino phenomenon, mahalaga aniyang maisyasat ang mga polisiya ng DA sa rice production.

Nanawagan din ang Senadora para sa pag-aaral para matukoy kung mas epektibo ang biofertilizer at nagpapataas nga ng ani ng rice farmers.