-- Advertisements --
Hinarangan ng China ang inihandang resolusyon ng UN Security Council na komukondena sa nangyaring kudeta sa Myanmar.
Ito ay makaraang inaresto ng militar ang political leader na si Aung San Suu Kyi at ilang mga mambabatas.
Hindi natuloy ang itinakdang pagtipon-tipon ng United Nations Security Council matapos hindi ito sinuportahan ng China.
Ang China ay may kapangyarihan na mag-veto bilang isa sa limang permanent members ng council.
Ginawa ito ng China dahil sa kanilang paniniwala na ang pagpataw ng parusa o ng international pressure ay mas magpalala sa nangyayaring kaguluhan sa Myanmar.
Sinasabing matagal nang ginampanan ng Beijing ang papel nito na protektahan ang bansa mula sa international scrutiny.