-- Advertisements --

Naghain ng resolution isi Senator Robin Padilla para magsagawa ng imbestigasyon ang senado sa naganap na pagkakasunog ng Manila Central Post Office.

Nakasaad sa nasabing resolusyon na isang makasaysayan ang nasabing gusali na dapat ay bigyan ng halaga ito.

Sa nasabing resolusyon ay mabibigyan ng atensiyon ang ilang mga heritage sites para hindi na maulit ang pangyayari.

Magugunitang nagsimula ang sunog sa basement ng gusali hanggang tuluyang umakyat na hindi pa tuluyang naapula.