-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection matapos masunog ang Villa del Marj Resort and Hotel sa Brgy. 32 Corocor sa bayan ng Bacarra.

Una rito, ipinaalam ng anak ng may ari nga resort na si Alecz Cid na madaling araw ng magsimula ang apoy sa harapan ng kanilang tahanan.

Aniya, agad nilang sinubukang apulahin ang apoy ngunit mabilis itong kumalat hanggang sa mga guest room kung saan may mga kasalukayang bisita na nakacheck-in.

Sinabi nito na agad na nagresponde ang Bureau of Fire protection ngunit walang anumang gamit ang nailigtas dahil sa lakas ng apoy.

Samantala, ipinaalam nito na walang nasaktan o nasugatan sa mga guests kasama ng kanyang pamilya.

Kaugnay nito, inilahad ni Senior Fire Office 1 Jeffrey Pascua, Chief Operations Officer ng Bureau of Fire Protection – Bacarra na hanggang ngayon ay wala pang matukoy na nag-ugatan ng sunog.

Paliwanag nito na mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga kwarto sa nasabing resort ay gawa sa light materials.

Dagdag niya na sa kasalukuyan ay umabot na sa isang milyon ang naitalang halaga ng danyos dahil sa sunog at posibleng madagdagan sa pagpapatuloy ng assessment.