-- Advertisements --

Sinuspendi ng local na pamahalaan ng San Juan, Batangas ang operasyon ng isang resort sa Barangay Laiya Aplaya dahil sa paglabag sa Department of Tourism (DOT) guidelines.

Sinabi ni San Juan, Batangas Councilor Meynard Robles, vice chairperson ng San Juan Inter-Agency Task Force, nagkaroon ng bisita mula sa Maynila ang nasabing resort.

Nasa patakaran kasi nila na dapat dumaan ang mga bisita sa tourism reception ang mga bisita bilang panuntunan na ipinapatupad ng DOT at magkaroon ang mga ito ng health declaration.

Lumabag sa minimum health standards ang at protocols sa resort ang nasabing mga bisita.