-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na hindi act of terrorism ang nangyaring insidente sa Resort’s World-Manila kaninaang madaling araw.

Paliwanag ni Dela Rosa na hindi pa nila maqualify na act of terror dahil wala namang violence.

Kwento ni PNP chief, lone gunman ang pumasok sa kilalang hotel at nilinaw nito ang nasa P113 million halaga ng mga chips.

Dahil sa stampede kung kaya’t marami ang nasugatan na umabot sa 54.

Ayon pa kay PNP chief, nasa 18 ang naka-confine ngayon sa apat na hospital dahil sa suffocation habang ang iba ay nakalabas na sa hospital.

Sinabi pa ng heneral, sinunog ng suspek ang kaniyang sarili.

Batay sa kuha ng CCTV, umakyat ang suspek sa Room 510 humiga sa kaniyang kama, binalot ng makapal na kumot ang sarili, saka nagbuhos ng gasolina at nagsindi.

Tinutukoy pa ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dayuhan.