CENTRAL MINDANAO-Siniguro ng Department of Health (DOH-12) na ang rehiyon ay may sapat pa ring mapagkukunan upang mapamahalaan ang dumaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ayon kay ni DOH-12 Regional Director Dr. Aristides Tan, na nananatiling nasa “safe zone” ang hospital at isolation capacity sa rehiyon.
Sa gitna ng paglobo ng mga bagong kaso ng covid-19 sa iba’t-ibang panig ng rehiyon simula noong nakaraang buwan.
Sa ngayon ay patuloy nakikipagtulungan ang DOH sa local government units (LGUs) upang mapabuti ang kanilang kakayahan sa pamamahala ng tumataas na kaso, lalo na sa usapin ng ‘testing’, isolation at paggamot ng mga pasyente.
Tiniyak ni Tan na “maraming mga bakanteng kama” ang region-12 upang pangasiwaan o maayos na pamahalaan ang kasalukuyang Covid-19 cases.
Kinomperma rin ng opisyal na ang DOH-12 ay mayroong higit sa 8,000 kama sa ‘temporary treatment and monitoring facilities’ at 1,190 beds sa 68 hospitals.
Inihayag pa ng direktor na tinutulungan nila ang mga LGU, sa pamamagitan ng rural health units (RHUs), upang mapahusay ang kanilang mga istratehiya at kapasidad na pamahalaan ang kanilang Covid-19 cases.