CAUAYAN CITY – inabot ng tatlong oras ang mga kasapi Bureau of Fire Protection ( BFP) Cauayan City para makuha ang labi ng pag-apat na nasawi sa pagbagsak ng at pagliyab ng huey helicopter ng Philippine Airforce sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Chief Inspector Aristotle Atal, bagong City Fire Marshal ng BFP Cauayan City na sa kabila na nakadagdag ang high octane fuel ng chopper sa malakihang pagliyab ng apoy ay may angkop na kagamitan ang BFP Cauayan City.
Pangunahin ang foam forming fire supression agent upang hindi lalong lumala ang apoy na sanhi ng tumagas na fuel at kung ordinaryong tubig lamang ang kanilang ginamit ay mahirapan silang apulain ang apoy
Inamin ni Fire Chief Inspector Atal na nahirapan sila sa isinagawang retrieval operation sa mga biktima ng pagbagsak ng helicopter.
Bagamat naging madali ang pagkakatagpo sa bangkay ng tatlong biktima ay natagalan ang mga extrication team na maialis ang pang-apat na namatay dahil naipit ito sa makina at transmission ng helicopter.
Inabot sila ng tatlong oras bago nakuha ang bangkay ng pang-apat na nasawi.