-- Advertisements --

Mariing kinondena ng Malacañang ang nangyaring pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat, na ikinasugat ng ilang katao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police kung saan lumalabas na extortion ang motibo sa karahasan.

Ayon kay Sec. Panelo, tinitiyak nilang pananagutin sa batas ang responsable sa pagpapasabog at makamit ang hustisya.

Kasabay nito, pinapaalalahanan nila ang publiko na manatiling alerto sa kanilang paligid at agad ipagbigay-alam sa mga otoridad kung may mapansing kahina-hinalang indibidwal o bagay.

“The Palace deplores yesterday afternoon’s explosion in Isulan, Sultan Kudarat which wounded scores of individuals who are currently receiving medical treatment,” ani Sec. Panelo.

Una nang inihayag ni Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander Maj. General Cirilito Sobejana na extortion at paghihiganti ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang tinitignan nila bilang posibleng motibo sa pangyayari.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Sobejana, kaniyang sinabi na may ipinakitang extortion text ang may ari ng restaurant na kanya raw natanggap noon pang nakaraang linggo pero hindi ito agad inireport sa mga otoridad.

Kanila rin aniyang tinitignan ang nasabing grupo dahil bago ang mga ito pero ero ang signature ng improvised explosice device ay gawa ng BIFF.

Payo naman ni Sobejana sa mga negosyante sa lugar na kapag may natatanggap silang extortion letter o text ay agad ireport sa pulisya.

Ayon kay Sobejana, nakikisimpatya siya sa lahat ng biktima ng “barbaric act” kung saan 18 katao ang sugatan at dalawa sa mga ito ang kinailangang sumailalim sa operasyon.

Narekober ng EOD teams sa blast site ang mga piraso ng 9v battery, piraso ng cellphone, ilang pirasong 1 inch concrete nails, at mga wasak na bahagi ng kulay red-orange plastic container. (with report from Bombo Analy Soberano)