-- Advertisements --

Iginiit ng Department of Education ang kahalagahan ng Artificial Intelligence ng pag-aaral ng mga estudyante sa bansa.

Kaakibat nito ay ang importansya rin ng paggamit nito ng responsable para maging mas epektibo at kapakipakinabang.

Ayon kay DepEd Chief-of-Staff Undersecretary Fatima Lipp Panontongan, sa ngayon ay kabilang sa mga itinuturo sa mag-aaral sa mga pribado at pampublikong paaralan ay ang tamang paggamit ng AI.

Ang hakbang na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng tulong na nagmumula sa iba’t ibang educational partner sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging responsable sa paggamit ng AI , kailangan rin na maging ethical ang paggamit ng bagong teknolohiya na ito.

Iginiit ng opisyal ang kahalagahan na maituro ito sa mga Generation Z hanggang Beta at maging sa mga susunod na henerasyon.