-- Advertisements --

Binalak sanang bisitahin ni Rappler CEO Maria Ressa si Senator Leila De Lima sa kaniyang piitan subalit hindi ito pinayagan.

Ayon kay Atty. Dino de Leon ang taga-represents sa senador na naganap ang pagdalaw sana ni Ressa bago ito magtungo sa Oslo, Norway at tanggapin ang kaniyang Nobel Peace Prize.

Nalungkot ang senador na mabalitaan ang insidente.

Magugunitang isa ang Senador na binanggit ni Ressa sa kaiyang acceptance speech ng award kung saan ang kabayaraan sa pagprotekta sa mga mamamahayag para magkaroon ng ligtas ng trabaho sa bansa ay ang kaniyang pagkakakulong.