Tuloy ang byahe ni Rappler chief executive officer Maria Ressa ngayong gabi patungong Estados Unidos at Italya kahit kasasalang pa lang nito sa arraignment kanina sa Court of Tax Appeals (CTA) para sa P70 million tax deficiencies.
Sa nasabing pagbasa ng sakdal, nagpasok si Ressa ng “not guilty plea” sa apat na mga reklamo.
Ayon sa kampo ng Rappler head, sapat ang kanilang mga dokumento para patunayan ang mga binayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Pero para sa prosekusyon, mabigat ang hawak nilang ebidensya kontra kay Ressa, lalo na at isasalang na sa trial proper sa Mayo 15, 2019 ang testigong si Jocelyn Bautista.
Samantala, maliban sa byahe ng akusado ngayong linggo, lalabas uli ito ng bansa sa huling bahagi ng Abril para sa iba pang aktibidad sa Amerika.