-- Advertisements --

Inamin ngayon ng pamunuan ng NBA na hindi nila isinasantabi ang desisyon na muling kanselahin ang mga games na nakatakdang magsimula sa susunod na buwan.

Ginawa ni Commissioner Adam Silver ang pag-amin makaraang makumpirma na panibagong 16 na mga players ang nagpositibo sa coronavirus matapos sumailalim sa COVID tests ang 302 na manlalaro.

ADAM SILVER
NBA Commissioner Adam Silver

Ani Silver, ang naturang hakbang ay kanilang gagawin kung magkaroon ng “significant spread” ng COVID-19 sa mga players.

Liban dito ayon kay Silver, isa pang kinokonsidera nila ay ang patuloy pa rin na pagtaas ng bilang ng mga may sakit mula sa deadly virus sa estado ng Florida na siyang pagdarausan nang NBA games sa loob ng Disney World.

Pero agad namang idinepensa ng opisyal na ang gagawing pagpapatuloy ng mga laro dahil ang venue o campus ay off limits sa mga fans at sa kumunidad para iwas sa exposure sa nakakahawang sakit.

Una nang sinabi ng NBA sa statement na ang mga players na naging COVID positive ay dapat na mananatili sa isolation hanggang sa bigyan na sila ng go signal ng kanilang mga doktor na maaari na silang sumama sa training session sa restart ng NBA season sa July 30.

“Any player who tested positive will remain in self-isolation until he satisfies public health protocols for discontinuing isolation and has been cleared by a physician,” pahayag pa ng NBA.

NBA games

Samantala sa inilabas na schedule of games ng 22 mga teams, magbabanggaan sa unang araw ang Utah Jazz kontra sa New Orleans Pelicans, habang magtutuos naman ang Los Angeles Clippers at ang top team na Los Angeles Lakers.