-- Advertisements --

Ipinasara mismo ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang isang resto bar sa BF Homes dahil sa paglabag sa health at safety protocols.

Ayon sa alkalde, mahigpit pa ring pinagbabawal ang pagtitipon ng mahigit 15 katao habang umiiinom ng nakakalasing na inumin.

Nagbunsod ang pagsita ng mga kapulisan kasama ang business permit ng licensing office matapos na makatanggap sila ng impormasyon mula sa concerned citizens.

Patuloy din aniya ang ginagawang pagpapaalala sa mga barangay officials na kaniyang nasasakupan na isumbong sa kanilang opisina ang mga nagsasagawa ng iligal na pagtitipon lalo na ang pagbebenta ng mga nakakalasing na inumin dahil na sa general community quarantine pa rin ang Metro Manila.