-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Natupok ng apoy ang isang restobar sa bahagi ng Tahao Road sa lungsod ng Legazpi mag-aalas 7:00 ngayong gabi.

Mabilis na nilamon ng apoy ang Blue Light restobar dahil gawa lamang ito sa anahaw at kawayan.

Nabatid na nagdiriwang sana ng kaarawan ang isa sa mga customer ng restobar ng biglang sumiklab ang apoy na sinasabing mula sa barracks ng mga empleyado nito.

Mapalad naman na walang nasaktan sa insidente kung saan kanya-kanyang buhat pa ng mga maisasalbang kagamitan ang mga tauhan ng restobar at maging ang mga customer nito.

Matapos ang ilang minuto ay naideklara namang fireout ang insidente dahil sa pagdating ng anim na mga firetrucks mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi, Bureau of Fire Protection (BFP) Daraga, katulong ang firetrucks ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Ffilipino Chinese fire volunteers.

Samantala, patuloy pa ngayon ang isinasagwang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng pinagmulan ng naturang sunog.