-- Advertisements --

Sinalakay ng Task Force Disiplina ng lungsod ng Quezon ang isang restobar dahil umano sa paglabag sa ipinapatupad na minimum health standard.

Naaktuhang ng mga otoridad sa restobar sa kahabaan ng Mother Ignacia St. ang nasa 63 customers nito na lumabag sa physical distancing.

Dahil dito ay tinikitan ang mga ito dahil sa paglabag ng physical distancing at paglabag sa curfew na ipinapatupad sa lungsod.

Natuklasan din ng mga otoridad na walang anumang permit to operate ang nasabing restobar.

Nakatakda na ring irekomenda ng task force Disiplina kay Mayor Joy Belmonte ang pagpapasara ng nasabing restobar dahil sa nasabing paglabag.