-- Advertisements --

Nilusob ng mga kasapi ng Quezon City Task Force Disiplina ang isang KTV restobar sa Roosevelt Avenue.

Sinabi ni Rannie Ludovica, ang hepe ng nasabing taskforce, agad nilang tinungo ang tatlong palapag na gusali at nadatnan na may mga customer pa na nag-iinuman.

Lumagpas na aniya ang mga ito sa curfew hours na ipinapatupad sa lungsod.

Binigyan ng violation tickets ang mga customers dahil sa paglabag habang posibleng maipasara establishimento.