-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Niluwagan na ng gobyerno ng Israel ang mga ipinatutupad na restrictions laban sa COVID 19 matapos na mabigyan na ng bakuna ang nasa 81% ng populasyon sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa OFW na si Steve Javier Serquiña, malaki ang kanyang pasasalamat sa mga otoridad sa Israel dahil kahit na isang dayuhan lamang ay nakasama pa rin sa mga prayoridad na binigyan ng bakuna.


Bilang domestic helper na nangangalaga sa mga maedad na, pumangalawa si Serquiña sa mga prayoridad na mabigyan ng bakuna at noong Enero lang ng matanggap na ang ikalawang dose ng Pfizer vaccine.

Sa ngayon pinayagan na ang muling pagbubukas ng mga establishimento sa bansa, hindi na istrikto sa mga pagtitipon-tipon at hindi na rin inoobliga ang pagsusuot ng face mask maliban na lamang sa loob ng mga mall.

Base sa pinakahuling tala hindi na tataas sa 100 ang mga naiuulat na bagong kaso ng COVID 19 sa Israel na may roon ng 837,309 kabuohang kaso at 6,342 na mga namatay dahil sa nakakahawang sakit.