Ilalabas na ngayong gabi ng Commission on Elections (Comelec) ang resulta ng plebisito para gawing component city ang bayan ng Baliwag.
Sinabi ni Committee on Elections (Comelec) Chair George Garcia na may kabuuang 108,572 na rehistradong botante mula sa 27 barangay ang inaasahang bumoto nang manual hanggang 3 p.m ngayong araw.
Nagbukas ang 200 clustered precincts sa 26 voting centers sa bayan kanina alas-7: 00 ng umaga.
Sinabi ni Garcia na maaaring lumabas ang resulta sa pagitan ng 10:30 p.m. hanggang 11 p.m.
Dagdag pa rin nito na inaasahan nila ang hindi bababa sa 60 hanggang 65 porsiyentong voter turnout.
Itinakda ang plebisito pagkatapos ng ratipikasyon ng Republic Act 11929, kung saan gagawing component city ang munisipalidad ng Baliwag sa lalawigan ng Bulacan.
Kapag naratipikahan na, ang Baliwag ay magiging ikaapat na bahagi ng lungsod ng Bulacan – pagkatapos ng Meycauayan, San Jose del Monte at ang kabisera ng probinsiya na Malolos.