Inilabas na ng National Basketball Association (NBA) ang resulta ng bunutan na isiniagawa nito para sa NBA Cup sa 2024-2025 Season.
Magsisimula ang NBA Cup sa Nobyembre 12, 2014 kung saan maglalaban-laban uli ang 30 NBA teams para sa NBA Cup trophy.
Ito na ang ikalawang serye ng NBA Cup, matapos ang inaugural tournament noong nakalipas na taon.
Narito ang resulta ng bunutan:
Sa ilalim ng Western Conference Group A, maglalaban-laban dito ang Minnesota Timberwolves, LA Clippers, Sacramento Kings, Houston Rockets, Portland Trail Blazers.
Para sa Group B, maglalaban dito ang Oklahoma City Thunder, Phoenix Suns, Los Angeles Lakers, Utah Jazz, San Antonio Spurs.
Ang Group C naman ay binubuo ng Denver Nuggets, Dallas Mavericks, New Orleans Pelicans, Golden State Warriors, Memphis Grizzlies.
Sa ilalim naman ng Eastern Conference, ang Group A ay binubuo ng New York Knicks, Orlando Magic, Philadelphia 76ers, Brooklyn Nets, Charlotte Hornets.
Para sa Group B, nakahanay dito ang Milwaukee Bucks, Indiana Pacers, Miami Heat, Toronto Raptors, Detroit Pistons.
Para sa Group C, maglalaro dito ang Boston Celtics, Cleveland Cavaliers, Chicago Bulls, Atlanta Hawks, Washington Wizards.
Noong 2023-2024 Season, ang Los Angeles Lakers na pinangungunahan ni Lebron James ay ang nakakuha sa pinakaunang tropeo ng NBA Cup.