Naisailalim na sa forensic examination ang labi ng dalawang Vietnamese fishermen na umanoy napatay sa isinagawang operasyon ng Philippine Navy sa may bahagi ng Bolinao, Pangasinan.
Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, kanila na lamang hinihintay ang resulta ng autopsy report ng sa gayon mabatid kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang banyaga.
Batay sa inisyal na report ng PNP nagtamo ng gunshot wounds ang dalawang Vietnamese na mangingisda.
Dagdag pa ni Carlos na may narekober na mga fragmentation ng bala na nakita ang PNP SOCO sa crime scene.
Batay kasi sa report na naka rating sa PNP nang akyatin ng mga Navy personnel ang fishing boat nakita na lamang nila na patay na ang dalawang banyaga kung kayat kanila agad itong itinawag sa PNP para isailalim sa imbestigasyon.