-- Advertisements --

Nagbanta ang katunggali sa pagkapangulo ni Indonesian President Joko Widodo na si Prabowo Subianto na maghahain ito ng protesta sa korte.

Kasunod ito ng pagkuwestiyon niya sa mga lumalabas sa resulta ng halalan na tiyak na ang pangalawang termino ng kasalukuyang pangulo.

Sinabi ni Subianto na base sa kaniyang exit polls ay lumalabas na panalo ito at 55 percent.

Ang nasabing protesta ay una ng ginawa ni Prabowo noong 2014 subalit ibinasura ito ng korte at idineklarang panalo si Widodo.

Bagamat lamang na ang Indonesian President ay hinikayat nito ang kaniyang mga mamamayan na maging kalmado hanggang hindi pa natatapos na ianunsiyo ang resulta na halalan na gagawin sa buwan ng Mayo.