-- Advertisements --

Nakatakda ng ilabas sa mga susunod na araw ng Department of Tourism (DOT) ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa hotel kung saan namatay ang flight attendant na si Christine Dacera.


Tumanggi muna magbigay ng impormasyon ang DOT kaugnay sa ongoing na investigation.

Naglabas ng show-cause order ang DOT laban sa City Garden Grand Hotel dahil sa posibleng paglabag sa community quarantine protocol.

Pinagpapaliwanag ni DOT Metro Manila Regional Director Woodrow Maquiling Jr. ang general manager ng hotel kung bakit hindi dapat makansela ang accreditation nito sa kabila ng pagkakaroon ng umano’y party sa establisimiyento.

Binigyang-diin ng DOT na hindi puwedeng gamitin bilang paglilibang ang hotel bagkus maaari lang ito gawing quarantine facility.

Humihingi rin ng hiwalay na paliwanag noong January 6 ang Makati City Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa pamunuan ng hotel at nagbantang posible itong mabawian ng business permit.

Inilibing na ngayong araw ng Linggo si Dacera sa kaniyang hometown sa General Santos City.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng PNP at NBI ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalaga.