Malalaman pa sa susunod na linggo ang resulta ng pag-aaral ng European Medicines Agency (EMA) sa COVID-19 booster vaccine ng Moderna.
Sinabi ni Marco Cavaleri ang namumuno ng EMA na sa Oktubre 25 ay mailalabas na nila ang ginawa nilang review sa Moderna vaccine o kilala bilang Spikevax.
Dagdag pa nito na wala pa ring katiyakan kung magpapasa rin ang Russia ng aplikasyon ng kanilang one-dose coronavirus vaccine na Sputnik Light na dagdag ito sa naunang naisumite nila na two-dose na Sputnik V.
Patuloy din aniya silang nakikipag-ugnayan sa Russia ukol sa nasabing usapin.
Mula pa kasi noong Marso ay nagsumite ang Russia ng formal review sa EMA ng kanilang two-dose vaccine na Sputnik V subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin itong resulta.
Inaasahan rin ng EMA na sa mga susunod na linggo ay matatanggap nila ang datus ng boosters ng single-shot na Johnson & Johnson vaccines.