-- Advertisements --

Ilalabas sa buwan ng Disyembre ang resulta ng katatapos na Bar exam, ayon kay Supreme Court Associate Justice Mario Lopez.

Si Lopez ang nagsilbing chair ng September 2024 Bar Examinations kung saan mahigit sampung libong Bar candidate ang sumabak sa pagsusulit.

Kasunod nito ay nakatakda naman ang oath-taking ng mga bagong abogado sa Enero 24, 2025.

Samantala, batay sa datos ng Supreme Court, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kumukuha ng Bar.

Ayon kay Court Administrator Raul Villanueva, ito ay kasunod na rin ng pagiging digitalized at regionalized ng naturang pagsusulit mula noong 2021.