-- Advertisements --

Binigyang-diin ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na ang naging resulta daw ng presidential preference poll ng Pulse Asia ay ibinatay sa isinagawang survey nito bago pa man ang naging matagumpay na campaign rallies nito sa mga probinsya at Metro Manila.

Sinabi ito ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez matapos na manguna muli sa pinakahuling Pulse Asia survey si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng presidential bets kung saan ay may nakuha iton 60% points na sinundan naman ni Vice President Leni Robredo na may 15% na nakuhang puntos.

Paliwanag ni Gutierrez, sa ngayon ay hindi pa aniya nakukuha ng Pulse Asia ang pinakahuling buhos ng suporta kay Robredo.

Samantala, ang naturang survey ay isinagawa mula Pebrero 18 hanggang Pebrero 23, kung saan nasa 2,400 na mga indibidwal na nasa hustong gulang na ang hiningan ng opinyon sa kung kaninong kandidato boboto ang mga ito sakaling ang eleksyon na isasagawa sa buwan ng Mayo ay gaganapin sa mismong araw kung kailan sila ay tanungin.

lumabas din sa naturang survey na nasa pang apat na puwesto si Senator manny pacquiao na may 8 pecent at sinusundan ni senator panfilo lacson na may 2 percent
habang sina Faisal Mangondato (0.4 percent), labor leader Leodegario “Ka Leody” de Guzman (0.1 percent) at Jose Montemayor Jr. (0.01 percent).

Wala namang report ang Pulse Asia sa mga nakuha nina dating MalacaƱang spokesman Ernesto Abella at dating Defense chief Norberto Gonzales.

Sa vice presidential race ng pre-election Pulse Asia Survey, nakakuha si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ng 53 percent, habang sumesegunda si Senate President Tito Sotto sa 24 percent.

Si Senator Francis Pangilinan ay nasa ikatlong puwesto na may 11 percent habang si Dr. willie Ong naman may 6 percent at Deputy Speaker Atienza may 1 percent.

Nakakuha naman sina Manny Lopez at dating Akbayan party-list representative Walden Bello ng tig- 0.1 percent, at Atty. Carlos Serapio na may 0.01 percent.

Samantala sa mga senatoriable naman, muli na namang nanguna sa Pulse Asia Survey ang broadcast journalist na si Raffy Tulfo na may 66.9%.

Sinusundan siya ni Antique Representative Loren Legarda na may 58.9%, pangatlo si dating DPWH Secretary Mark Villar na may 56.2%, pang-apat si Taguig congressman Alan Peter Cayetano na may 55.0%, pang-lima si re-electionist Senator Miguel Zubiri 50.5%, at pang-anim naman si Sorsogon Governor Francis Escudero may 49.8%.

Pampito ang actor Robin Padilla (47 percent), pangwalo former vice president Jejomar “Jojo” Binay (46 percent), pang-siyam Sen. Sherwin “Win” Gatchalian (45 percent), pang-sampo Sen. Emmanuel Joel Villanueva (42 percent), dating senator Jose “Jinggoy” Estada (39 percent) pang-11, at pang-12 Quezon City mayor Herbert “Bistek” Bautista (33 percent), pang-13 naman si Sen. Risa Hontiveros (32 percent) at dating senator Joseph Victor “JV” Ejercito (32 percent).

Mula naman sa 15th hanggang 24th positions Sen. Richard “Dick” Gordon (27 percent), dating senador “Gringo” Honasan (27 percent), dating DILG Gibo” Teodoro (20 percent), dating spokesman “Harry” Roque (20 percent), dating senator Antonio Trillanes 4th (17 percent), dating PNP chief Guillermo Lorenzo Eleazar (16 percent), atty “Chel” Diokno (12 percent), Astravel Pimentel (12 percent), Sen. Leila de Lima (11 percent) at pang 24 an pwesto atty “Larry” Gadon (11 percent).