-- Advertisements --

Ikinatuwa ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde Ang resulta ng SWS survey na nagpapakita na 78 porsyento ng populasyon ang kuntento sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Ayon kay PNP Chief, ito ay katumbas ng halos walo sa bawat 10 Pilipino na pumapabor sa giyera kontra droga.

Todo pasasalamat naman si Albayalde sa pagkilala at pagbibigay ng supporta ng mamayan sa magandang nagawa ng kapulisan sa kampanya kontra droga.

Sinabi ni Albayalde na isang positibong development din ang resulta ng SWS survey na bumaba ang crime victimization sa ikalawang quarter ng taon ito.

Mula sa 1.5 milyon o 6.6 na porsyento ng populasyon na nagsasabing nabiktima sila ng krimen sa unang quarter ng taon, ay bumaba sa 1.2 milyon ang bilang na ito o 5.3 porsyento ng popopulasyon sa ikalawang quarter.

Ito aniya ay consistent sa naitala ng PNP na pagbaba ng krimen ng 15 porsyento mula January to August ng taong kasalukuyan, kumpara sa kahalintulad na period noong nakaraang taon.

Tiniyak ni Albayalde na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang war on drugs.

Dagdag pa ni PNP chief na maaaring tiwala na ang publiko na walang pang aabuso sa hanay ng PNP sa pagpapatupad ng kanilang anti-illegal drugs operations.