-- Advertisements --
Naging mapayapa ang ginawang pang-limang resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naging aberya sa pagdadala ng pagkain at ilang supplies sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito na ang pang-limang rotation and reprovisioning (RORE) mission para sa mga sundalo ng bansa na nakatalaga sa tank landing vessel na siyang nagsisilbing outpost ng bansa para panghawakan ang soberanya sa karagatan sa lugar.
Pinasalamatan din ng DFA ang mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na nagsagawa ng mission.