-- Advertisements --

ayungin3
Resupply boat approaching BRP Sierra Madre (Photo) Sec. Delfin Lorenzana

Ginipit pa rin ng Chinese Coast Guard ang resupply boats ng Pilipinas ng magsagawa ito ng resupply mission sa Ayungin Shoal ngayong araw.


Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kaniyang ikinokonsiderang pananakot at pangha-harass ang ginawa ng Chinese Coast Guard sa resupply boats ng Pilipinas.

Sinabi ni Lorenzana, habang nakadaong ang resupply boats sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, may isang rubber boat mula sa Chinese Coast Guard vessel na may sakay na tatlong katao ang nagtungo malapit sa BRP Sierra Madre at kinukuhanan ng mga larawan at videos ang isinasagawang unloading sa mga supplies at pagkain.

” There was a Chinese coast guard ship in the vicinity which sent a rubber boat with three persons near the Sierra madre while our boats were unloading and took photos and videos. I have communicated to the Chinese ambassador that we consider these acts as a form of intimidation and harassment,” mensahe ni Sec. Lorenzana.

Dahil dito agad nakipag ugnayan si Sec Lorenzana kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at sinabi ang ginawa ng Chinese Coast Guard ay maituturing na acts of intimidation and harassment.

Alas-11:00 kaninang umaga ng dumaong sa BRP Sierra Madre ang barko na may dalang mga pagkain at mga supplies.

Inihayag naman ng Kalihim na maayos namang nakarating sa kanilang destinasyon ang dalawang civilian resupply boats na minamandohan ng mga tauhan ng Philippine Navy.

Sa monitoring ng AFP Western Command, walang naitalang untoward incidents habang bumibiyahe ang dalawang resupply boats, hindi rin sila hinarang ng Chinese Coast Guard.

Dagdag pa ng kalihim na pagkatapos ng kanilang misyon sa BRP Sierra Madre ay magtutungo ang mga ito sa osyter bay.

” The two civilian resupply boats manned by the Philippine Navy arrived at the Sierra Madre in the Ayungin shoal at 11am today without any untoward incident. They are presently unloading personnel and cargo. After a couple of days they will return to oyster bay,” dagdag pa ni Sec. Lorenzana.