-- Advertisements --

Hinarang ng ilang barko ng China Coast Guard (CCG) ang 2 barko ng Philippine Coast Guard (PCG) habang nasa resupply mission sa Escoda (Sabina) Shoal sa West Philippine Sea.

Sinubukan kasi ng BRP Cabra at BRP Cape Engaño na muling maghatid ng suplay para sa BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Subalit ilang oras na hinarang ng CCG ang dalawang PCG vessel.

Noong Agosto 19 din, nagsagawa ng agresibo at mapanganib na maniobra ang CCG vessels laban sa BRP Cape Engaño at BRP Bacagay na puminsala sa dalawang barko ng PH.