Naging matagumpay ang isinagawang rotation at reprovisioning (RORE) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ginamit dito ang isang civilian vessel na MV Lapu-Lapu, na inalalayan ng Philippine Coast Guard (PCG) vessel na BRP Cape Engaño.
Wala namang naitalang untoward incident sa kabuuan ng misyon.
Ito ang unang RORE mission na isinagawa sa ilalim ng agreement na nabuo sa pagitan ng Pilipinas at People’s Republic of China hinggil sa mga prinsipyo at pamamaraan sa pagpapatupad ng RORE missions sa Ayungin Shoal, na layuning maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Ang legal at karaniwang RORE mission sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ay patunay sa propesyunalismo ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard, at sa koordinasyon sa pagitan ng National Security Council, Department of National Defense, at Department of Foreign Affairs.